Mandaluyong City, may 11 bagong confirmed cases ng COVID-19

Kinumpirma ng Mandaluyong City Health Office o CHO na meron silang 11 bagong kaso ng COVID-19, kaya naman umabot na ang kabuuang bilang nito ng 349.

Batay sa tala ng CHO, ang nasabing 11 bagong pasyente ng COVID-19 ay mula sa mga Barangay ng Addition Hills; Barangka Ibaba; Hagdang Bato Itaas; Highway Hills; Mauway; New Zaniga; Plain View; Poblacion; San Jose; at NCMH-2.

Umabot naman ng 33 ang bilang ng mga nasawi at 59 naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit na dulot ng virus.


Sa ngayon ang Mandaluyong City ay mayroon din 760 na kabuuang bilang ng mga suspected cases, pero zero naman ang bilang ng probable case.

Facebook Comments