Nakapagtala na naman ng labing dalawang (12) bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Mandaluyong.
Batay sa tala ng Health Department ng lungsod ngayong umaga, ang nasabing bilang ay mula sa Barangay Addition Hills na may limang bagong kaso ng COVID-19.
Habang may tig-isang bagong kaso naman sa Barangay Hagdang Bato Itaas, Old Zaniga, Plaine View, Vergara at Highway Hills.
May dalawang bagong pasyente naman na tinamaan ng virus ang Barangay Poblacion.
Dahil dito, umakyat sa 821 ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.
Mula sa nasabing bilang, 60 ang nasawi at 541 naman ang mga gumaling, kaya naman merong 220 ang active case sa Mandaluyong City.
Nasa 1,951 na ang bilang ng mga suspected cases at 153 lang ang bilang ng probable cases sa lungsod.