Pumalo na sa 1,374 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong ngayong araw, July 24, 2020.
Ito’y matapos na madagdagan ng 31 na bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod, batay sa tala ng City Health Department kahapon.
Nadagdagan din ng siyam ang bilang ng recoveries na nasa 829, habang umakyat din sa 80 ang kabuuang bilang ng nasawi ngayong araw sa lungsod.
Kaya naman mayroon ng 465 na active cases ng COVID-19 sa Mandaluyong City.
Ayon sa Health Department ng lungsod, mataas pa rin ang recovery rate ng Mandaluyong dahil mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 ngayong araw, 60.33% dito ay mga gumaling sa sakit na dulot ng virus at 5.82% naman dito ay mga nasawi.
Facebook Comments