Mandaluyong City, may 6 na bagong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng City Heath Office o CHO ng Mandaluyong na mayroon silang bagong anim na kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Kaya naman umakyat ang bilang nito mula sa 311 noong Martes, naging 317 na ito kahapon.

Nasa 29 na pasyente ng COVID-19 ng lungsod ang mga binawian na ng buhay at 37 naman ang mga nasawi sa suspect case.


Sa tala kahapon ng CHO, nasa 711 na mga indibidwal ang nasa suspected cases at zero naman ang probable case.

40 naman na ang naitalang gumaling sa sakit ng dahil sa virus.

Paliwanag ng Pamahalaang lokal ng Mandaluyong na kaya mataas ang bilang ng mga kaso ay dahil sa pinaigting na contact tracing na patuloy na ginagawa ng ng City Health Department sa pakikipagtulungan sa Department of Health o DOH.

Facebook Comments