Mandaluyong City, may bagong 30 recoveries mula sa sakit na COVID-19

Nakapagtala kaninang umaga ng 30 bilang ng recoveries mula sa sakit na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Mandaluyong.

Dahil dito, umakyat na sa 1,831 ang kabuuang bilang ng recoveries ng lungsod ngayong araw.

Nadagdagan ng isang pasyente ng COVID-19 ang nasawi kahapon sa lungsod, kaya naman tumaas din ang bilang nito sa 109.


Nasa 1,024 naman ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod ngayong araw matapos makapagtala kagabi ang Mandaluyong City health department ng 25 bagong pasyente na infected ng virus.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,964 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments