Mandaluyong City, mayroong 60 bagong active cases, 24 nito fully vaccinated

Nakapagtala ang lokal na pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ng 60 bagong aktibong kaso ng COVID-19 kahapon.

Mula sa nasabing bilang, 24 ay mga fully vaccinated kung saan 10 sa kanila ay asymptomatic at 14 ang nakitaan ng mild symptoms.

Anim naman ang nabakunahan na ng unang dose laban sa COVID-19, habang mas marami ang nahawaan ng sakit na hindi pa bakunado.


Dahil dito, tumaas sa 637 ang kabuuang bilang ngayon ng active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, nasa 18,294 na ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases, kung saan 17,212 dito ang gumaling na at 445 ang nasawi.

Facebook Comments