Mandaluyong City, nakapagtala ng 10 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng sampung bagong kaso ng COVID-19 ang City Health Department ng Mandaluyong sa nakalipas na 24-oras.

Dahil dito, sumampa na sa 5,660 ang kabuoang bilang ng kupirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 5,405 ay mga gumaling na sa naturang sakit, matapos makapagtala 15 new recoveries kagabi.


Aabot naman sa 166 ang mga nasawi na dulot ng virus.

Sa ngayon, mayroong 89 active COVID-19 cases sa lungsod.

Batay sa ulat ng City Health Department ng Mandaluyong, patuloy na mino-monitor ang kalusugan ng mga indibidwal na kabilang sa active cases habang nananatili sila sa quarantine facility ng lungsod at binibigyan din sila ng tulong medikal.

Facebook Comments