Mandaluyong City Police, nagsagawa ng ‘Oplan Sita’ laban sa mga motorsiklo

Nagsasagawa ngayong araw ang Mandaluyong City Police ng ‘Oplan Sita’ laban sa mga pasaway na mga driver ng motorsiklo.

Lahat ng dumadaan sa Pines Street ng Barangay Ilaya sa lungsod ng Mandaluyong, hinaharang ng mga pulis ang bawat dumadaang motorsiklo.

Kanilang chine-check ang lisensya ng driver at tinatanong kung bakit walang plate number.


Umiiral ngayon ang kautusan na ‘No plate number, No travel’ policy sa Mandaluyong City.

Mula kaninang alas-8:00 ng umaga hanggang sa mga oras na ito, umabot na ng 10 ang mga violator.

Karamihan sa mga lumabag ay unregistered, expired registration at walang plate number.

Kukumpiskahin ang mga lisensya ng mga driver at ito-turn over ito sa City Mandaluyong Traffic Division.

Facebook Comments