Mandaluyong LGU, muling magbibigay ng unang dose ng COVID-19 vaccines para sa mga adult

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na muli itong magbibigay ng unang dose ng COVID-19 vaccine ngayong araw.

Batay sa abiso ng lungsod, tanging mga nagparehistro lang sa kanilang online pre-registration na mga kabilang priority group mula A1 hanggang A5 ang tatangapin sa kanilang lugar ng bakunahan.

Huling nagbigay ang lungsod ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19, noong October 30, kung saan 449 indibidwal ang nabakunahan.


Maliban dito, may second dose din ng bakuna ngayong araw, gamit ang AstraZeneca na nabakunahan noong August 23 at 25.

Mayroon ding Sinovac na nabakunahan noong October 5 at 6 at Pfizer na nabakunahan naman noong October 13.

Makikita ang lugar ng bakunahan sa official Facebook page ng Mandaluyong City government at bukas mula alas-9:00 ngayong umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Samantala, umabot na ng mahigit 890,000 ang nabakunahang indibidwal sa lungsod, kasama rito ang first at second dose.

Facebook Comments