Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na naglagay na ito ng VaxCertPh booth sa loob ng city hall nito.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, katuwang ng nasabing hakbang ang Department of Health (DOH), Bureau of Quarantine at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Dahil dito aniya, pwede ng kumuha ng vaccination certificate ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbibiyahe sa ibang bansa.
Matatagpuan aniya ang VaxCertPh booth sa 3rd Floor, ICTD Office, Executive Building sa city hHall.
Maliban sa city hall, sinabi rin ng alkalde na ngayong araw ay bubuksan na ang isa pang VaxCertPh booth sa SM Megamall – SM Cinema.
Paalala niya sa mga kukuha ng vaccination certificate, dalhin lamang ang kanilang vaccination card at valid ID.