Mandaluyong Medical Center, nag-set up na rin ng quarantine tent para sa nCoV

Nakalatag na rin ang mga gagawing hakbang ng Mandaluyong City Government para maiwasan na mahawa ng Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (nCoV).

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos para matiyak ang kaligtasan ng  kanyang mga kababayan, sa Mandaluyong Medical Center, ay nag-set up na sila ng Quarantine tent kung saan mayroong 7 upuan at 2 maliit na lamesa para sa mga pasyente.

Paliwanag ng alkalde sakaling may pasyente na galing sa ibang bansa lalo na sa China na nakitaan ng sintomas ng nCOV-ARD gaya ng lagnat, sipon at ubo ay dito sila dadalhin para i-check up.


Dagdag pa ni Abalos kapag malala na ang kondisyon, ililipat naman ang Person Under Investigation sa Isolation Room at mayroon din silang Contigency Plan sakaling magkaroon sila ng kumpirmadong kaso kung saan ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) at isa rin sa kinukunsidera nila ang paglilipat ng pasyente sa San Lazaro Hospital.

Facebook Comments