Mandaluyong Hall of Justice, isinailalim sa 14- day lockdown

Isinailalim na rin sa lockdown ang Mandaluyong New Hall of Justice upang magsagawa ng disinfection sa buong gusali.

Base sa ipinalabas na memorandum ni City Prosecutor Bernabe Solis, kinailangang isara muna ang gusali dahil may isang (1) nagpositibo sa COVID-19 sa Mandaluyong New Hall of Justice.

Nagsimula ang lockdown noong Lunes, June 15, 2020 na magtatagal hanggang June 29, 2020.


Para naman sa mga nagtatanong tungkol sa mga kasong kanilang isinasampa sa korte, base sa Administrative Circular 41-2020, lahat ng pleadings ay maari ipadala sa pamamagitan ng official e-mail account ng korte, habang ang mga pagdinig naman ay isasagawa sa pamamagitan ng video conferencing.

Facebook Comments