Mandaluyong RTC, naglabas ng Temporary Restraining Order laban sa fleet cap para sa Motorcycle Taxis

Naglabas ng Temporary Restraining Order ang Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) laban sa pagtakda ng fleet cap sa pilot run ng mga Motorcycle Taxis.

Ang fleet cap ay ang paglilimita sa bilang ng mga rider bawat Motorcycle Taxi.

Tatagal ng 72-oras ang tro at pinagbayad din ang mga petitioner ng 300,000 Pesos na bond para i-raffle ang petisyon.


Sa apela ng Angkas, iginiit nitong nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 17,000 riders nito kung matutuloy ang fleet cap.

Itinakda ng Technical Working Group (TWG) ng LTFRB na nasa 10,000 units lamang ang papayagan kada Motorcycle Taxi sa Metro Manila habang 3,000 sa Metro Cebu.

Ipinagkibit-balikat lamang ng Dept. of Transportation (DOTr) ang TRO dahil minsan na raw nakakuha ng TRO laban sa kanila ang Angkas pero binaligtad din ng Korte Suprema.

Ang TWG naman ay maglalabas ng komento kapag natanggap na nila ang kopya ng TRO at nakikipag-ugnayan na sila sa Office of the Solicitor General para sa tamang aksyon ukol sa kaso.

Facebook Comments