MANDALUYONG SHOOTING INCIDENT | AWOL team leader ng mga pulis na nasasangkot, sumuko na

Manila, Philippines – Sumuko na ang team leader ng Mandaluyong City Police na rumesponde sa insidente ng pamamaril noong December 28 kung saan dalawang tao ang nasawi.

Ito ay matapos ang panawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa kay chief Senior Insp. Maria Cristina Vasquez na nag-absence without official leave.

Ayon kay Eastern Police District Director Chief Supt. Reynaldo Biay, nasa Regional Personnel and Holding Unit sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City si Vasquez.


Una nang sinampahan ng kasong homicide ang sampung pulis Mandaluyong dahil sa pagkasawi nina Jonalyn Amba-An at Jomar Hayawon, at frustrated homicide naman dahil nasugatan sina Eliseo Aluad at Danilo Santiago bunsod ng pamamaril.

Facebook Comments