Manila, Philippines – Sinampahan na ng kasong homicide ang sampung pulis at tatlong barangay tanod na sangkot sa barilan sa Mandaluyong City kung saan nasawi ang dalawang sibilyan at ikinasugat ng dalawang iba pa.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, mananatili sa restrictive custody ang mga nasabing pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at hindi sila pwedeng lumabas ng kampo.
Sinabi naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, mananagot ang mga pulis Mandaluyong dahil sa kapalpakang nangyari.
Patuloy namang pinaghahanap ang mga barangay tanod na kinilalang sina Wilmer Duron, Ernesto Fajardo at Gilbert Gulpo.
Una nang nagpositibo sa paraffin test sina Fajardo at Duron bagamat iginiit nang ilang tauhan ng Barangay Addition Hills na hindi sila kailanman inisyuhan ng baril.