Mandamyento de aresto ng isang mataas na lider ng NPA, isinilbi ng CIDG sa kanyang selda

Naisilbi na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang warrant of arrest (WOA) laban sa isang mataas na lider ng communist terrorist group habang ito ay nakapiit sa Tangub City Jail sa Misamis Occidental.

Ayon kay CIDG Director, PMGen. Romeo Caramat Jr., inihain ang mandamyento de aresto kay Matias Gaquit na may kinakaharap na panibagong kaso ng murder.

Nabatid na si Gaquit ay nakapiit na dahil sa mga kasong murder, rebellion at frustrated homicide.


Ang WOA ay inibalas ng korte sa Sindangan, Zamboanga del Norte at walang inirekomendang piyansa para dito.

Nabatid na nagsisilbing 1st Deputy Secretary ng Guerilla Front Sendong ng Western Mindanao Regional Party Committee ng CPP-NPA si Gaquit.

Kasunod nito, tiniyak ni Caramat ang kanilang masidhing paglansag sa mga komunistang grupo upang labanan ang terrorismo at makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Facebook Comments