Mandarin, pag-aaralan ng mga tauhan ng PNP-AKG para sa ginagawang operasyon

Plano ngayon ng Philippine National Police na pag-aralin ang kanilang mga tauhan ng Mandarin.

Ito ay upang mas mapabilis ang pagresolba sa tumataas na kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese sa bansa.

Ayon kay Police Lt. Col. Elmer Cereno, Spokesperson ng Anti-Kidnapping Group, nagkakaroon kasi ng “language barrier” sa mga pulis na rumeresponde at mga mga Chinese na nagrereklamo kaya kinakailangan pa nilang magbayad ng mga interpreter para sa kaso.


Paliwanag niya, nakasalang na sa Setyembre ang 3 tauhan ng AKG na mag-aaral ng Mandarin sa China.

Sasagutin ng Chinese consul ang pag-aaral ng mga pulis bilang tulong sa PNP na tatagal ng 1 buwan.

Sa kabuuan, nasa 20 mga pulis ang target ng PNP na mapag-aral ng Mandarin na hahatiin ng batch.

Batay sa datos ng PNP-AKG, nasa 56 na insidente na ng kidnapping ang kanilang naitatala simula 2017 hanggang 2019 kung saan 120 chinese suspects na ang naaresto.

Facebook Comments