Mandato ng ICI laban sa korapsyon tugma sa isinagawang ‘transparency rally’ ng mga religious group ayon sa Komisyon

Suportado ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang isinagawang kaliwa’t kanang kilos-protesta ng mga religious group kabilang na ang Iglesia ni Cristo, KOJC at JIL sa loob ng dalawang araw.

Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, ang hinihiling ng mga taong sumama sa protest-rally ay hustisya, transparency at accountability laban sa korapsyon.

Ani Hosaka, tugma ang sigaw ng taumbayan sa mandato ng komisyon na habulin ang lahat ng sangkot sa flood control anomaly.

Nanindigan naman si Hosaka na ginagawa ng komisyon ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng korapsyon mga proyekto ng pamahalaan.

Samantala, isinasapinal na ng ICI ang guidelines para sa livestreaming ng kanilang mga pagdinig para sa kahilingan ng publiko na “transparency” sa bawat hearing.

Facebook Comments