Mandato ng Landbank na tulungan ang mga magsasaka at mangngisda, hindi dapat malusaw sa planong merger nito sa DBP

Hindi kokontrahon ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ang planong merger ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines o DBP.

Gayunpaman, pinapatiyak ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan na oras maisakatuparan ang merger ay hindi malulusaw ang mandato ng Landbank na tulungan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

Giit ni Libanan, dapat manatili na nakalaan para sa mga magsasaka at mangingisda ang 5% ng loan portfolio ng Landbank.


Diin ni Libanan, kailangan ding magpatuloy ang pagpapautang ng Landbank sa mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) lalo na ang mga nakabase sa probinsya.

Paliwanag ni Libanan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng Landbank sa pagpapaunlad ng mga probinsya kung saan umaabot na sa 123 na pribadong rural bank ang nagsara simula noong 2012.

Facebook Comments