MANDATO NG OWWA NA PAROKYA NG OWWA SA BARANGAY AT OFW SA BAYAN NG MALASIQUI, MAS PINALAKAS

Mas pinalalakas ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 ang mandato nito sa pamamagitan ng Parokya ng OWWA sa mga Barangay at Pamilya ng mga OFW sa Central Pangasinan partikular na sa bayan ng Malasiqui.
Ang programa ay naglalayong tugunan ang psychosocial at relational na pangangailangan ng mga OFW at magbigay ng value at support system para sa mga OFW at kanilang mga pamilya sa antas ng komunidad sa lahat ng regional at provincial units, na may pinagsamang tulong ng OWWA, LGUs, NGOs at CSOs at mga pribadong sektor.
Sa pagbuo ng bagong programang ito, pinalalakas ng Rehiyon 1 ang mandato ng ahensya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon hindi lamang sa mga programa ng OWWA kundi sa mga umiiral na isyu at solusyon na may kaugnayan sa migration sa pangkalahatan, kapakanan at kondisyon sa trabaho sa ibang bansa.

Batay sa kabuuang bilang ng mga OFW sa Rehiyon 1 noong Hunyo 2022 ng OWWA MPC, ay nasa 736,379 OFWS at nasa 13,403 OFWs ang mula sa ng Malasiqui na nagpapakita ng malaking populasyon ng mga OFW sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Samantala, nagpapasalamat naman ang LGU Malasiqui sa ahensya dahil sa pamamagitang ito mas napapatatag nito ang mga OFWs sa bayan at upang mas mailapit ang mga programa sa mga nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments