Iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda na paigtingin ang “mandatory airworthiness inspections,” hindi lamang sa mga Cessna plane kundi sa lahat ng mga sasakyang panghimpapawid.
Bukod dito ay pinapatingnan din ni Salceda kung “updated” ba o nasa tamang bilis ang “tracking and navigation systems” sa Pilipinas na bagama’t hindi kalakihang bansa ay pahirapanan naman sa paghahanap kung may nawawalang eroplano.
Sinabi ito ni ito ang Salceda kasunod ng pagbagsak ng isang Cessna plane na mula Bicol International Airport o BIA, patungong Maynila at pagkawala rin ng isang Cessna plane sa Isabela noong Enero.
Binanggit ni Salceda na na nakipagtutulungan siya sa BIA para matiyak ang pag-review sa lahat ng safety procedures at protocols at maitama agad ang mga pagkakamali.
Nakipagtutulungan din si Salceda kay Transportation Sec. Jaime Bautista sa pagtukoy ng mga posibleng “safety issues” sa ating air transportation infrastructure at upang masilip nang mabuti ang sistema.