Isinusulong sa Kamara ang panukalang Mandatory Bible reading sa mga paaralan.
Sa ilalim ng House Bill 2069, ire-require ang lahat ng mag-aaral mula Elementary hanggang High School na magbasa ng parte ng Bibliya bilang bahagi ng kanilang reading comprehension.
Ayon kay House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., hindi labag sa saligang batas ang panukalang ito dahil responsibilidad ng pamahalaan na protektahan ang kabataan.
Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng tamang paghubog sa kanilang pagkatao.
Dagdag pa ng mambabatas, mapipigilan nito ang pagdami ng bilang ng minor offenders sa bansa.
Tiniyak ni Abante na walang dapat ikabahala ang ibang Relihiyon dahil may mga probisyon patungkol dito.
Facebook Comments