Mandatory COVID-19 vaccination, ipinagbabawal na rin sa Cebu province

Bawal nang gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lalawigan ng Cebu.

Ito ay matapos maglabas ng memorandum si Cebu Governor Gwendolyn Garcia kahapon na nag-uutos sa lahat ng mga alkalde sa probinsya na huwag magpatupad o sumuporta ng mga polisiya na gawing mandatory ang pagbabakuna para sa edukasyon, trabaho at ilang government transaction.

Ipinag-utos din ni Garcia na huwag i-discriminate ang mga unvaccinated na mga guro, estudyante o mga magulang.


Kamakailan lang ay naging kontrobersyal si Garcia kasunod ng kautusang gawing optional ang pagsusuot ng facemask sa outdoor setting.

Facebook Comments