Muling iginiit ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila aprubado ang mungkahing drug test para sa mga kakandidato sa 2022 elections.
Kasunod ito ng mungkahi ng ilang presidential candidates na gawing mandatory ang drug test sa lahat ng kandidato.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, dati pa nila ito inihain sa Korte SupremA pero idineklara itong unconstitutional.
Dahil dito, itinigil na aniya ng ahensya ang pagsulong nito.
Facebook Comments