MANDATORY DRUG TESTING | ‘No drug test, no driving policy’, pag-aaralan ng LTFRB

19

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng mandatory drug testing sa lahat ng driver Public Utility Vehicles (PUVs).

Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘no drug test, no driving policy’.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, posibleng sakupin ng mandatory drug testing ang lahat ng drivers mapa-publiko man o mapa-pribado.

Sa ngayon, random drug testing pa lamang ang isinasagawa ng LTFRB.

Facebook Comments