Mandatory drug testing sa mga college student, sasagutin ng mga estudyante ang gastusin

Manila, Philippines – Sasagutin ng mga estudyante sa kolehiyo at unibersidad ang mga gastusin ng panukala ng DOH na Mandatory Drug Testing sa lahat ng mga estudyante na papasok sa susunod na taon.

Ayon kay Director Ronaldo Liveta CHED OIC Office of Director Office of the Student and Development Services, naaprubahan na nila ang Merorandm Order 64 ang “Policies Guideline and Procedures for Higher Education Institution Requiring Drug Testing of Students”

Paliwanag ni Liveta, nakasaad sa kanilang Memorandum Order na ipatutupad pa sa susunod na School Year 2018-19 inaatasan nila ang mga Colleges at Universities na bumalangkas ng mga polisiya hinggil sa naturang mandatory drug testing sa mga college student.


Ang proseso ay kinakailangan accredited ng DOH ang sinumang magpapakuha ng mandatory drug testing sa private drug testing companies at kung sakaling hindi makapag-drug test ang isang estudyante nasa deskrisyon na ng mga kolehiyo at unibersidad sa kanilang bubuuing polisiya kung papa-eenrolin o hindi ang isang college student.

Giit pa ni Liveta, sakaling magpositibo ang isang estudyante sa iligal na droga kinakailangan sumailalaim siya sa tinatawag na intervention sa pamamagitan ng Counseling.

Facebook Comments