Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang resulta ng Survey ng Social Weather Station o SWS na nagsasabi na 51% ng ating mga kababayan ay summusuporta sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na magkaroon ng Mandatory Drug Testing sa mga Grade 4 students pataas.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, isang magandang idea ito dahil malalaman na ng mga magulang kung gumagamit ba ng iligal na droga ang kanilang mga anak.
Naniniwala din naman si Panelo na talagang tatanggapin ng mga magulang ang panukalang ito dahil ito ay para sa kanilang pamilya.
Ang pahayag na ito ng Malacañang ay sa kabila ng umiiral na republic Act number 9165 o ang dangerous drugs act of 2002 na nagsasabi na maaari lamang magkaroon ng Mandatory Drug Test sa mga high school at college students.