Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mandatory evacuation sa mga residente ng dalawang siyudad at 12 munisipalidad sa Batangas na matinding maaapektuhan kapag sumabog ang Bulkang Taal.
Inatasan na ng DILG-Calabarzon ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng sapilitang paglilikas sa mga sumusunod na lugar:
- Agoncillo
- Alitagtag
- Balete
- Cuenca
- Laurel
- Lemery
- Malvar
- Mataas Na Kahoy
- San Nicolas
- Teresita
- Taal
- Talisay
- Lipa City
- Tanauan City
Ang Taal, Agoncillo, Talisay, at Laurel ay kasalukuyang nagpapatupad ng total lockdown, kung saan hindi na papayagang bumalik ang mga residente sa kanilang mga bahay.
Facebook Comments