Mandatory face mask policy sa Davao City, mananatili hanggang Disyembre ngayong taon

Nais mapanatili ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang obligadong pagsusuot ng face mask sa lungsod hanggang matapos ang taong 2022.

Pahayag ito ni Duterte kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagluluwag sa face mask policy.

Ayon sa alkalde, suportado niya ang hakbang ng IATF pero nais niya munang makita ang magiging epekto nito sa iba pang lugar bago ito ipatupad sa lungsod.


Batay sa huling datos, umakyat 620 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Davao City as of September 3, mas mataas sa 101 na naitala nitong July 2.

Mababatid na nag-isyu ang ilang lugar katulad ng Cebu at Iloilo ng executive order na nagtatanggal sa obligasong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at open spaces.

Facebook Comments