Hindi na kailangang sumailalim sa mandatory hotel quarantine ang mga biyahero na dadating sa Hong Kong simula sa Lunes, September 26.
Sa halip ay sasailalim na lamang sa self-monitoring sa loob ng tatlong araw kung saan sa naturang panahon ay limitado lamang ang maaaring puntahan sa labas
Sa kabila nito ay kailangan pa ring sumailalim sa PCR test sa ikalawa, ika-apat at ika-anim na araw matapos lumapag sa Hong Kong at mayroon ding rapid antigen test (RAT) araw-araw sa loob ng pitong araw.
Ang mga biyahero naman ay hindi na kailangan magpakita ng negatibong PCR test bago sumakay ng eroplano ngunit kailangan pa ring magpakita ng negatibong resulta ng rapid antigen test, 24 oras bago mag-board sa eroplano.
Una nang inanunsyo ng Japan na magbubukas ito ng kanilang border simula October 11 habang tatanggalin na rin ng Taiwan ang kanilang mandatory quarantine policy sa October 13.