Mandatory insurance para sa mga construction workers, isinusulong ng Senado

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na mapagkalooban ng mandatory insurance ang mga construction workers.

Sa Senate Bill 821 o Construction Workers Insurance Act na inihain ni Gatchalian, oobligahin ang mga employers ng mga construction workers na magbigay sa mga manggagawa ng mandatory accident insurance coverage dahil sa madalas na panganib na sinusuong sa trabaho.

Binigyang katiyakan ng panukala ang mabilis at epektibong paghahatid ng kabayaran para sa mga manggagawa na naaksidente dahil sa trabaho.


Matutumbasan din dapat ng insurance coverage ang halaga ng pinsalang tinamo sa aksidente ng isang manggagawa.

Ang minimum insurance coverage ay hindi bababa sa P75,000 para sa natural death, P100,000 kung accidental death, P150,000 kung masasawi sa gitna ng pagtatrabaho, P50,000 kung parehong kamay ang mapipinsala, P50,000 kung parehong paa ang mawawala, P50,000 kung isang kamay at isang paningin ang maaapektuhan at P50,000 kung isang paa at isang paningin ang mawawala.

Ang premium na babayaran sa insurance company ay sagutin lahat ng employer at walang ibabawas sa sahod ng manggagawa.

Facebook Comments