MANDATORY | Mga matataas na opisyal ng CHED, Sumailalim sa drug test

Manila, Philippines – Pinangunahan ni CHED OIC chair Prospero de Vera ang isinagawang mandatory drug test sa Commission on Higher Education.

Nasa 200 lahat ang bilang ng mga isasailalim sa drug test na ginastusan ng 30,000 pesos.

Nasa posisyong director pataas ang unang sumailalim kanina sa mandatory drug test samantalang ang nasa mababang posisyon ay sasailalim sa mandatory random drug test.


Kontribusyon ito ng CHED sa kampanya ng Duterte administration sa war on drugs.

Bago magtapos ang linggo ay malalaman ang resulta at sa susunod naman na linggo ang resulta ng confirmatory test.

Ipapaubaya naman ni de Vera sa pamunuan ng mga unibersidad kung ipatutupad din nila sa kanilang mga estudyante ang mandatory drug test.

Facebook Comments