Mandatory na pagpapaturok ng COVID-19 vaccine, umaayon sa Konstitusyon

Inihayag nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Koko Pimentel na sang-ayon sa Konstitusyon ang deriktiba na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng mga sundalo.

Paliwanag ni Drilon na isang abogado at dating kalihim ng Department of Justice, ito ay valid at reasonable exercise ng police power ng gobyeno para maprotektahan ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng lahat ngayong may pandemya.

Katwiran naman ni Senator Koko Pimentel na isa ding abogado, bilang Commander-in-Chief ay pwedeng iutos ng Pangulo ang mandatory vaccination sa mga sundalo.


Diin ni Pimentel, ito ay para sa kapakanan ng mga sundalo at pagtiyak sa kanilang kahandaan na ipagtanggol ang bansa habang nasa mabuti silang kalusugan.

Facebook Comments