Mandatory na pagsusuot ng face mask sa outdoor spaces, ipagpapatuloy ng pribadong sektor – Concepcion

Nagkasundo ang pribadong sektor na sundin ang payo ng mga eksperto na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask sa outdoor spaces.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, bumuo sila ng advisory group kung saan kumonsulta sila sa mga eksperto kung ano ang dapat na gawin at karamihan sa mga ito ay hindi sang-ayon na gawing optional na lamang ang paggamit ng face mask sa mga outdoor na lugar.

Kaugnay nito ay hihikayatin pa rin aniya nila ang kanilang mga manggagawa na magsuot ng face mask hangga’t may COVID-19.


Dagdag pa ni Concepcion na hindi na kaya ng ekonomiya na itaas pa ang alert level sa bansa.

Base rin sa pag-uusap nila ng mga eksperto, 100% sa mga ito ang sang-ayon na magtatataas lamang ng alert level kung talagang napupuno na ng COVID-19 patients ang mga ospital.

Facebook Comments