Iginiit ni Senator Manny Pacquiao sa gobyerno na ihinto na ang pagpapatupad ng mandatory o obligadong pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Pacquiao, ang paggamit ng face shields ay dagdag pahirap lang sa mga Pilipino bukod sa simbolo rin umano ito ng korapsyon.
Diin pa ni Pacquiao, wala rin naman talagang batayan na nakakatulong ang face shield para mapigilang kumalat ang COVID-19.
Para kay Pacquiao, sapat na ang requirement sa pagsusuot ng face mask habang gawing optional na lang ang paggamit ng face shield.
Mainam din para kay Pacquiao kung hayaan na lang ang mga Local Government Unit (LGU) na magdesisyon kung ipapatupad pa ang paggamit ng face shields sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments