Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang magagawa kundi panatilihin ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shields sa loob ng mga establisyimento at sa labas para mapigilan ang anumang malalang sakunang maaaring maidulot ng Delta variant ng COVID-19.
Sa kanyang public address, humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa publiko matapos magdulot ng kalituhan ang posibilidad na luwagan ang patakaran sa pagsusuot ng face shield.
Hindi aniya kakayanin ng Pilipinas kapag nagkaroon ng second wave ng infections lalo na at hindi pa nakakabawi ang ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte na kailangan niya ang lahat ng opinyon at payo mula sa mga eksperto lalo na sa “mutation” ng COVID-19.
Hindi siya makakapagdesisyon lamang na mag-isa lalo na at hindi niya larangan ang medisina.