Sinisilip na ng legal department ng Commission on Higher Education (CHED) ang viral na memorandum ng Pine City Colleges sa Baguio City na nire-required ang mga estudyante na sumailalim na mandatory pregnancy test.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera – babasahin at susuriin muna nila ang mga kumakalat na dokumento bago sila maglabas ng opisyal na pahayag.
Dagdag pa ni De Vera – kailangan nilang makausap ang mga nagrereklamo.
Kung hindi aniya maganda para sa nakararami ang polisiya ng unibersidad, ito na ang pagkakataon para i-akyat ang reklamo sa komisyon.
Facebook Comments