MANDATORY PREGNANCY TEST | CHED, sinisilip na ang memo ng Pine City Colleges Baguio

43

Sinisilip na ng legal department ng Commission on Higher Education (CHED) ang viral na memorandum ng Pine City Colleges sa Baguio City na nire-required ang mga estudyante na sumailalim na mandatory pregnancy test.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera – babasahin at susuriin muna nila ang mga kumakalat na dokumento bago sila maglabas ng opisyal na pahayag.

Dagdag pa ni De Vera – kailangan nilang makausap ang mga nagrereklamo.

Kung hindi aniya maganda para sa nakararami ang polisiya ng unibersidad, ito na ang pagkakataon para i-akyat ang reklamo sa komisyon.

Facebook Comments