Mandatory Quarantine sa mga uuwing OFWs sa Isabela, Ipatutupad

Cauayan City, Isabela-Isasailalim ang mga uuwing Overseas Filipino Workers sa mandatory Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test para matiyak ang kondisyon ng kanilang kalusugan laban sa corona virus o covid-19.

Ito ay batay sa Memorandum no.2020-02 na pirmado ni Governor Rodito Albano III.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, ito ay bilang tugon sa kabila ng nadaragdagang bilang ng mga OFWs na nagpopositibo sa virus pagkaraan ng kanilang pag-uwi sa probinsya.


Aniya, bagama’t may nauna ng swab test ang mga OFW ay kakailanganin pa rin nila ang pagsasailalim nito sa mga nakalaang testing areas.

Kinakailangan din na sumailalim sa mandatory quarantine sa inilaang pasilidad sa Bayan ng Cordon at Echague habang wala pang nailalabas na resulta ng kanilang swab test.

Inatasan naman ng gobernador ang ilang ahensya ng gobyerno na paigtingin ang pagpapatupad ng polisya ukol dito.

Facebook Comments