Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mandatory repatriation ng mga OFW na nakabase sa Libya.
Ito ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 ang sitwasyon doon sa gitna na rin ng kaguluhan sa Tripoli.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – magpapatupad na sila ng mandatory repatriation.
Para kay Philippine Overseas Employment Agency (POEA) administrator Bernard Olalia – ang pagsasagawa ng total deployment ban ay kinakailangan ng official communication mula sa DFA patungong DOLE.
Sa ngayon aniya, wala pa silang natatanggap na official recommendation mula sa DFA partikular ang repatriation ng mga Pilipinong manggagawa doon.
Base sa DFA guidelines, ang crisis alert level 4 ay awtomatikong pagsasagawa ng mandatory evacuation o repatriation.
Sa huling datos ng International Labor Affairs Bureau ng DOLE, nasa 30 OFW ang na-repatriate na.
Tinatayang nasa 2,600 na Pilipino ang nagtatrabaho sa Tripoli, ay karamihan ay medical at skilled workers.