Mandatory ROTC Bill, ipaprayoridad ng Senado sa pagbabalik-sesyon; panukala, posibleng maaprubahan pero “slim margin” lamang

Ipaprayoridad na sa pagtalakay sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 2034 o ang Mandatory ROTC Bill.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nangako siya kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, sponsor ng Mandatory ROTC Bill, na sa darating na buwan ng Mayo ay araw-araw nang itatakda ang pagtalakay at debate ng panukala sa plenaryo.

Target din na pagbotohan ang panukala bago ang sine die break ng 2nd regular session ng 19th Congress.


Umapela si Zubiri sa mga kasamahang senador na bigyang tyansa na maaprubahan ang Mandatory ROTC Bill lalo’t kumpyansa siyang mas maraming senador ang pabor na maibalik ito.

Samantala, bagama’t tiwala si Dela Rosa na maipapasa sa pagkakataong ito ang Mandatory ROTC Bill, ito ay “slim margin” o kaunti lang ang lamang.

Bahagi ng priority measure ng Marcos administration ang Mandatory ROTC Bill na ngayon ay nakasalang sa ikalawang pagbasa ng Senado.

Facebook Comments