Mandatory ROTC bill, urgent bill na ni Pangulong Duterte

138

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang pagsasabatas ng panukalang mawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps o ROTC sa public at private schools.


 

Sa liham na ipinadala ni Pangulong Duterte kay Senate President Tito Sotto at sinabi nito na sinesertipikahan niyang Urgent bill ang Senate Bill number 2232.

 

Paliwanag ng Pangulo, dapat maibalik sa mga paaralan ang basic mandatory military leadership training upang mabuhay at mapaigting ang pagiging makabayan ng mga kabataan.

 

Matatandaan na senado nalang ang hinihintay dahil pumasa na sa Kamara ang panukala noong nakaraang buwan.

Facebook Comments