Mandatory ROTC bill, urgent bill na ni PRRD

Manila, Philippines – Imposible nang maaprubahan ang mga panukalang batas na mandatory ang Reserve Officers Training Corps o ROTC na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakasalang pa sa period of interpellation ang panukala kaya hindi na ito maihahabol dahil mag-a-adjourn na ang sesyon ngayong araw.

Aniya, dapat ay mas maagang nailabas ang Certification of Urgency.


Gayunman, umaasa si Zubiri na maaprubahan ito sa susunod na 18th Congress.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na kulang na sa oras partikular ang pagkakaroon dapat ng Bicameral Conference Committee kahit naaprubahan pa ang panukalang batas.

Facebook Comments