Mandatory ROTC, lusot nang isalang sa plenary deliberations

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara para sa plenary deliberations ang panukalang muling buhayin ang mandatory Reserved Officer Training Corps (ROTC) para sa senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Ito ay matapos magbigay ng go-signal si Basic Education Committee Chairperson, Cebu Representative Ramon Durano IV na busisiin ng 292-man chamber ang House Bill 5113 na ini-akda ni House Deputy Speaker Raneo Abu.

Inaasahang ipapasa ito sa ikatlo at huling pagbasa sa February 6.


Umaasa si Abu na maipasa ito bago ang kanilang break dahil sa pagsisimula ng campaign season para sa May 13 midterm elections.

Aniya, ang panukala ay ipinaprayoridad ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo lalo at isa ito sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala, makatutulong ito na isapuso at isaisip sa mga kabataan ang pagiging makabayan.

Ituturo rin sa ROTC ang pagkakaroon ng disiplina, pakikipagkaibigan, pagrespeto at pagkakaroon ng malalim na pagmamahal sa bayan.

Facebook Comments