Mandatory ROTC, posibleng magpalala sa mental health problem ng mga estudyante – NUSP

Muling nagpahayag ng pagtutol sa panukalang Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) ang grupo ng mga mag-aaral.

Sabi ni Jandeil Roperos, presidente ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), may karapatan ang mga kabataan na pumili kung nais nitong sumalang sa military training o sa civil service.

Pinangangambahan din niya na lumala ang physical bullying at magkaroon muli ng hazing kung ipupursige ang mandatory ROTC.


Tinutulan din ng grupo ang naging pahayag kamakailan ni Defense Secretary Carlito Galvez na makatutulong ang ROTC para mahasa ang “frustration tolerance” ng mga estudyante at makaiwas sa mental health problems.

“Mas lalala yung mental health problem namin kapag isinalang kami sa military training na hindi naman namin gusto o labag sa aming karapatan,” punto ni Roperos sa interview ng RMN DZXL.

“’Yung mga expenses pa ng ROTC program like uniform, pagpunta sa camp para sa training. ‘Yun yung added burded e sa gitna ng academic na kinakaharap ngayon ng mga estudyante,” dagdag niya.

Facebook Comments