Mandatory ROTC program, inumpisahan nang talakayin sa plenaryo

Iniakyat na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa mga estudyante sa higher education institutions (HEIs) at technical-vocational institutions (TVIs).

Si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang Senate Bill 2034.

Sa ilalim ng panukala, ang ROTC ay kukunin ng higher education students sa loob ng apat na semestre at ang sinumang hindi sasailalim dito ay hindi makaka-graduate.


Magkakaroon naman ng espesyal na programa para sa mga estudyante na itinuturing na persons with disabilities (PWD), may relihiyong hindi maaaring humawak ng armas, at mga nahatulan dahil sa krimen.

Kasama sa mga layunin ng ROTC program ang makapagbigay ng basic military at police training sa mga estudyante; linangin ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa pagmamahal sa bayan, pagrespeto sa karapatang pantao, pagdisiplina sa sarili at pagseserbisyo sa kapwa; at magturo ng mga praktikal na kaalaman at kasanayan na kailangan sa panahon ng kalamidad o emergency.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na may safeguards ang panukalang batas para maiwasan ang hazing, korapsyon at iba pang uri ng pang-aabuso sa programa.

Facebook Comments