Isinusulong ngayon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mandatory Reserved Officers’ Training Corps o ROTC program para sa Grades 11 at 12.
Kasunod na rin ito ng kinomisyong survey ng senador kung saan lumabas na 77% ng mga magulang ay pabor na ipatupad ang ROTC sa mga estudyante sa Grades 11 at 12.
Ayon kay Gatchalian, ang pagpayag ng mga magulang ay marahil nakita at naranasan nila ang kahalagahan ng ROTC at Citizens Army Training (CAT) nang nag-aaral pa sila.
Giit nito, sa pamamagitan kasi ng nasabing programa, maraming mahahalagang skills at values ang natututunan ng mga mag-aaral tulad ng disiplina at pagmamahal sa bayan.
Una nang nagpahayag si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ng kagustuhang maibalik muli ang mandatory ROTC.
Facebook Comments