Mandatory ROTC sa Senior High School, Pinaboran ni Cong. Salvador Belaro Jr.!

960

Cauayan City, Isabela – Pinaboran ni Congressman Salvador Belaro Jr. ng Una ang Edukasyon Party List at Chairman ng Technical Education ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga Grade 11 at 12.

Sinabi pa ni Cong. Salvador Belaro Jr. na wala umanong mali kung gawing sapilitan ang ROTC sa mga senior high school upang maturuan ang mga kabataan na maging handa at makatulong sa pagprotekta sa bansa.

Suhestiyon pa ng kongresista na sana ay hindi na ito optional at isang taon na lamang kumpara sa nagdaang ROTC na dalawang taon.


Matatandaan na tinanggal ang ROTC sa high school noon dahil sa mga nagdaang korapsyon at hazing o pang-aabuso sa mga nagiging opisyal ng ROTC.

Facebook Comments