Mandatory ROTC, walang mabuting idudulot sa mental health ayon sa Gabriela Party-list

Mariing kinontra ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang sinabi ni Depertment of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez na makatutulong ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) para mahasa ang “frustration tolerance” ng mga estudyante na tugon sa mental health issues.

Para kay Brosas, insenstive ang nasabing pahayag ni Galvez sa pagdinig ng Senado ukol sa panukalang pagpapatupad ng mandatory ROTC.

Ayon kay Brosas, ang nabanggit na mensahe ni Galvez ay nagpapakita na walang maisip na magandang dahilan ang gobyerno para ipilit na ipasa ang panukalang mandatory ROTC.


Giit ni Brosas, hindi mandatory ROTC ang sagot sa mental health issues ng mga kabataan kundi ang ligtas, kalidad at abot-kayang edukasyon at serbisyong medikal.

Diin ni Brosas, lalo lamang lalala ang lugmok na sitwasyon ng kabataan kung tuturuan silang maging sunud-sunuran kaysa maging kritikal.

Facebook Comments