Mandatory RT-PCR negative test, hihingiin na sa lahat ng pasyenteng dadalhin sa St. Luke’s Medical Center

Simula sa March 29,2021, hihingan na ng RT-PCR negative test ang lahat ng mga dadalhing pasyente sa St Luke’s Medical Center.

Kasama rin sa hihingan ng COVID-19 swab test result ang makakasama ng pasyente sa pananatili sa ospital.

Isa lang ang pinapayagan na makasama ng in-patient sa kanilang pananatili sa SLMC.


Kasunod na rin ito ng pagsipa ng COVID-19 sa Metro Manila na naging sanhi upang maging punuan ang COVID-19 bed capacity ng mga ospital.

Pinapayuhan ang lahat na punan ang health declaration form ng ospital bago pumasok ng pagamutan.

Facebook Comments